-- Advertisements --
petruleum surigao

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng Municipal Police Station sa bayan ng Placer, Surigao del Norte ang dalawang mga lalaking nahuling nag-transport ng 198 galloons ng mga petroleum products na nakumpiska matapos ma-hold sa checkpoint ng Barangay Sta. Cruz, sa bayan ng Placer.

Ayon kay Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., regional director ng Police Regional Office-13, aabot sa 4,500 litro ng premium gasoline at 1,500-litro naman ng diesel ang nakuha mula kina Jongle Lulab Garong (driver), 24, at Jimboy Exclamador Nituda, pahinante, 31, parehong may asawa at residente ng Purok 8, Brgy. San Pedro, sa bayan ng Alegria sa nasabing lalawigan.

Dahil walang naipresentang conveyance permit ay inaresto sila at kinumpiska ang nasabing mga petroleum products.

Ayon sa imbestigasyon nagmula ang naturang mga produktong petrolyo sa 3’G Gasoline Station ng Brgy San Pedro, sa bayan ng Alegria at dadalhin sana sa Dinagat Islands.

Mga kasong paglabag sa Presidential Decree Number 1865 Amending Batas Pambansa Blg. 33, ang kakaharapin ng mga suspek.