Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hanggang 60,000 na mga tsuper sa buong Pilipinas ang tumanggap ng fuel subsidy sa ilang araw na pag-arangkada nito.
Ito ay batay sa datus ng LTFRB na ibinahagi ni technical division head Joel Bolano
Kinabibilangan ito ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan, katulad ng bus at mga taxi.
Ani Bolano, nai-download na rin sa mga account ng mga naturang tsuper ang pera na para sa kanila.
Habang ang mga delivery riders at iba pang nasa ilalim ng naturang kategorya ay kasalukuyan pa ring pinoproseso ng Department of the Interior and Local Government at Department of Transportation.
Sa ilalim ng fuel subsidy program, tatanggap ng fuel subsidy ang hanggang 1.36 million na transport operators sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Humigit kumulang 280,000 dito ay mga pampublikong sasakyan.