-- Advertisements --

Iniulat ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa kabuuang 605 lugar sa buong bansa ang kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown.

Apektado sa ipinaiiral na lockdown ang nasa 744 households o katumbas ng 1,233 indibidwal.

Ang Cordillera Administrative Region ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang nga mga lugar na inilagay sa granular lockdown , sinundan ng Ilocos Region na nasa 130 lugar.

Sa Metro Manila, bumaba na lamang sa anim na lugar ang nakalockdown habang sa Cagayan Valley naman nasa 77 lugar.

Ikinatuwa naman ni Ano ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa bansa subalit tiniyak ang agarang aksiyon sakaling magkaroon ng hawaan sa komunidad.