-- Advertisements --

Pinaplantsa na umano ng gobyerno ng Estados Unidos na ipamahagi ang milyun-milyong doses ng AstraZeneca vaccine sa ibang bansa pagdating ng mga susunod na buwan.

Inanunsyo ang balitang ito ni White House press secretary Jen Psaki sa isinagawang press briefing.

Auyon kay Psaki, ang desisyon na ito nagbunsod matapos karamihan ng mga available supple ng COVID-19 vaccines sa Amerika ay pinayagan nang gamitin sa mga tao. Sa ngayon kasi ay milyun-milyong AstraZeneca vaccines ang itinabi ng bansa subalit kahit isa rito ay hindi pa nagagamit dahil hindi pa ito nabibigyan noon ng emergency use authorization (EUA) ng U.S. Food and Drug Administration (FDA).

Kung titingnan aniya ang portfolio ng mga bakuna ay makikita na karamihan sa mga bakuna ng Amerika ay otorisado nang gamitin at marami na ring suplay nito. Kabilang na rito ang two-dose vaccine at one-dose vaccine.

Paliwanag pa ni Psaki na dahil hindi otorisadong gamitin sa Amerika ang AstraZeneca ay maaaring ibigay na lang ito sa ibang bansa na lalong lumalala ang laban kontra coronavirus.

Magsasagawa raw ang FDA ng quality review sa mga doses ng nasabing gamot bago ito payagang makalabas ng bansa.

Hindi naman sinabi ni Psaki kung ano-anong mga bansa ang makatatanggap ng libreng bakuna mula sa Amerika.