-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa 24 katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa probinsya ng Cotabato.

Ang pinakahuling naitala ng Department of Health (DOH-12) ang 61 anyos na babae mula sa bayan ng Antipas North Cotabato.

Ang pasyente ay may travel history sa Iloilo at iniimbestigahan pa kung kaylan siya dumating sa probinsya.

Naisugod ang biktima sa Arakan Valley District Hospital dahil sa heart problem ngunit agad inilipat sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Kinunan ng swab sample at nagpositibo sa RT-PCR Test sa Covid 19.

Sa ngayon ay nagsagawa na ng contact tracing ang mga health workers sa mga nakasalamuha ng 61 anyos na babae.