-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Panibagong 61 indibidwal ang nasundo nitong Martes ng gabi ng TF Sagip Stranded Cotabateños na kinabibilangan ng 50 LSIs at 11 ROFs mula sa mga paliparan ng Davao City at Awang Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Engr. Mike Mineses, operation head ng TF Sagip na patuloy na nakatutok ang buong team sa tuloy tuloy na pagdating ng mga ROF at LSI sa probinsya

Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Nancy Catamco sa mga ahensya ng pamahalaan sa walang sawang pagsuporta sa kanyang adhikain na mapauwi ang mga natitirang stranded North Cotabateños.

Ang mga dumating ngayong gabi ay idadagdag pa sa bilang ng 18,090 na napauwi hanggang Agosto 29.

Nasa 24/7 na nakaantabay ang buong team ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños sa mga paparating pa na mga LSI at mga ROF sa probinsya.