-- Advertisements --

Aabot sa 61 na tourist sites ang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog ng tanker fuel sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakipag-ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya gaya sa Philippine Coast Guard at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bagamat may ganitong insidente, sinabi pa ng kalihim na bukas pa rin sa publiko ang MIMAROPA region.

Tumatanggap pa aniya sila ng mga turista sa Puerto Galera at ilang mga tourist attraction sa Mindoro.