-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Inireklamo sa himpilan ng pulisya ng isang 62-anyos na lola ang kanyang 53-anyos na pamangkin na umano’y gumahasa sa kanya sa Madalag, Aklan.

Subalit sa interview ng Bombo Radyo, iginiit ng suspek na si Jerry Nanit, residente rin ng nasabing lugar na pareho nilang ginusto ang nangyari.

Ayon sa kanya, sinundo niya ang kanyang tiyahin sa inuman sa isang kasiyahan at habang nasa daan pauwi sa kanilang bahay ay hiniling umano ng matanda na ihatid ito sa kanyang kubo upang makapagpahinga dahil sa kalasingan.

Nang makarating sa lugar ay nagsuka umano ang biktima dahilan na pinunasan at inalagaan muna niya ito hanggang sa may nangyari sa kanilang dalawa.

Kasalukuyan nang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Madalag si Nanit.