-- Advertisements --

Nagpasabog ng career-high na 62 points si Stephen Curry upang manaig ang Golden State Warriors kontra Portland Trail Blazers, 137-122.

Uminit nang husto ang kamay ni Curry kung saan kasama sa mga pinakawalan nito ang walong three-points.

Batay sa datos, si Curry ang kauna-unahang player sa loob ng mahigit 15 taon na nagtala ng 62 o mahigit pang puntos sa loob ng 36 minuto pababa.

Huli itong nangyari noon pang 2005 kung saan nagbuhos din ng 62 points si Kobe Bryant sa laban nila noon kontra sa Mavericks.

Kaugnay nito, hindi naitago ni Warriors coach Steve Kerr ang kanyang pagkamangha sa “brilliant performance” na ipinamalas ni Curry.

“We’ve seen Steph do so many things here over the years, so many amazing nights at Oracle and now here at Chase. And it’s just a privilege to coach him, it really is. And not just because of his talent, but just because of the way he carries himself, the way he leads, and we are incredibly blessed as an organization to have Steph leading the way. What a performance tonight,” ani Kerr.

Maging ang “Splash Brother” ni Curry na si Klay Thompson ay binati rin ang star guard sa kanyang pagsali sa 60-point club.

Sa panig naman ng Blazers, hindi nagbuga ang 32 points na ipinasok ni Damian Lillard.