-- Advertisements --

Ipinadedeklara ngayon ng Makabayan bloc ng Kamara sa Korte Suprema na iligal at constitutional ang $62 million na Chico River Irrigation Project loan agreement ng Pilipinas sa China.

Ang grupo ay nagtungo mismo sa Supreme Court (SC) para magahin ng Temporary Restraining Order (TRO) para obligahin ang pamahalaan na itigil ang implementasyon ng nasabing proyekto.

Hiniling din ng mga ito na obligahin ng kataas-taasang hukuman ang mga respondents na ilabas ang procurement documents at utusan ang lahat ng mag-produce ng certified true copies ng lahat ng loan agreements sa pagitan ng pamahlaan at ng China.

Ayon sa mga petitioners, ang biglaang pagpapatupad ng nasabing loan agreement ay paglabag sa konstitusyon kaya dapat lamang itong ipawalang bisa.

Paliwanag ng mga petitioner, kwestiyonable ang confidentiality clause ng kontrata na isang paglabag sa 1987 constitution na tumitiyak sa karapatan ng publiko na malaman ang mga kontratang pinapasok ng pamahalaan.