Panibagong 72 na mga labi ng overseas Filipino workers (OFWs) na namatay sa Saudi Arabia ang nakatakdang dumating sa Pilipinas Biyernes.
Ayon Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa kabuuang 72, ang 62 sa mga ito ay namatay dahil sa COVID-19 habang ang 10 naman ay binawian ng buhay dahil sa ibang mga kaso.
Kinumpirma din ng DOLE na ang mga ito ay sakay ng chartered plane ng Philippine Airlines na inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-9:40 ng umaga.
Sinabi naman ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ang mga labi ng mga Pinoy warkers ay 40 ang nagmula sa Al Khobar, 17 naman sa Jeddah at 15 ang manggagaling sa Riyadh.
Sa ngayon nasa 264 na ang mga labis ng mga OFWs na matagumpay na naihatid sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia.