Umabot na sa 62 ang nasawi habang tatlo naman ang naligtas sa pagbagsak ng Jeju Air flight 7C2216 matapos tumama sa pader ng Muan International Airport sa South Korea.
May lulan na 175 na pasahero at anim na crew ang flight mula sa Thailand na siya sanang lalapag sa paliparan ng 9:00am ng umaga.
Nasa 33 naman ang narekober na na mga labi ang mga otoridad habang patuloy na hinahanap pa ang iba pang katawan ng biktima.
Ayon naman sa mga rumesponde sa insidente, hindi pa ito ang inaasahang kabuuang bilang ng mga marerekober na katawan mula sa insidente.
Patuloy naman na inaalam pa ang naging dahilan at bilang ng mga casualties sa naturang aircrash.
Samantala, wala pang ibinabahaging pahayag ang pamunuan ng Boeing at ang U.S. Federal Aviation Administration tungkol dito.