Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 177 kaso ng Delta variant sa bansa.
Sa nasabing bilang, 114 ay local cases, tatlo ay mga returning overseas Filipino habang 30 ang sumasailalim pa sa verification.
Ang local cases ay nagmula sa :
National Capital Region (90 cases)
CALABARZON (25 cases)
Cagayan Valley (16 cases)
Ilocos Region (8 cases)
Cordillera Administrative Region (2 cases)
Western Visayas (2 cases)
Davao Region (1 case)
Iniulat din ng kagawaran na 173 sa nasabing bilang ay nakarekober; isa na ang nasawi, habang ang status ng tatlong pasyente ay nananatiling biniberipika.
Sa ngayon ang bansa ay nakapagtala ng kabuuang 627 Delta variant cases.
Samantala, nakakita din ang DOH ng 102 pang mga kaso ng variant ng Alpha, 59 na kaso ng Beta, at 14 na kaso ng variant na P.3.
Ang bansa ngayon ay mayroong kabuuang 2,195 kaso ng Alpha at 2,421 na kaso ng Beta.