-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nagpakamatay ang isang lolo matapos na magbigti sa loob ng pinagtatrabahuhang resort dahil sa depresyon pasado alas-5:00 madaling araw ng Biyernes sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktima na si Andres Ignacio, 63, helper sa resort, residente ng Magsikap, Rizal, Occidental Mindoro, pero kasalukuyang naninirahan sa loob ng resort.

Naniniwala si Wennie Ignacio, nakakabatang kapatid ng biktima na depresyon ang nagtulak sa kanyang kuya upang magpakamatay.

Dati na rin umano itong nagtangkang magbigti.

Napag-alaman na nagsuka ng dugo ang biktima may dalawang linggo na ang lumipas, ngunit tumangging magpagamot.

Posible aniyang ito ang matinding pinoproblema ng senior citizen dahilan na nagpakamatay.