-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nananatiling drug affected ang 63 barangay sa Cordillera Administrative Region batay sa rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera.

Ayon kay Rosel Sarmiento, information officer ng PDEA-Cordillera, pinakamaraming barangay na nananatiling drug-affected sa lalawigan ng Abra na aabot sa 29, susunod naman ang Baguio City na may 15 barangay, Kalinga na may walong barangay, Apayao at Benguet na may tig-limang barangay, habang isa na lamang ang drug affected barangay sa Ifugao.

Una nang naideklara bilang drug cleared ang Mountain Province.

Kaugnay nito ay inihayag ni Sarmiento na sa ngayon ay mayroong pang binabantayan na 154 na drug personalities sa Cordillera at 85 sa mga ito ang nasa target list ng mga awtoridad at 69 ang nasa watchlist.

Dahil dito, tiniyak ng PDEA-Cordillera na mas lalo pang patitibayin ang mga programa laban sa iligal na droga.