CENTRAL MINDANAO-Hindi na muna papayagang makaboto sa local elections ang mga residente na nakatira sa special geographic area o 63 barangays sa probinsya ng Cotabato na ngayon ay sakop na ng BARMM sa darating na May 9, 2022 national and local polls.
Ito ay hanggat hindi pa natutukoy kung saang LGU napapabilang ang 63 barangays.
Ayon sa COMELEC minute resolution No. 21-0953, tanging sa National election lang sila puwedeng bomoto partikular sa President, Vice-President, senator at Party-List Representative gamit ang manual voting.
Una nang sinabi ng tagapagsalita ng Bangsamoro Government at Ministry of Interior and Local Government (MILG) Minister Atty. Naguib Sinarimbo na sa kani-kanilang respective LGU’s pa rin boboto ang mga residente na kabilang sa 63 barangays.
Ngunit sa bagong kautusan ng Comelec ay hindi na ito papayagan.