KALIBO, Aklan – Umabot sa 63 na mga kiosk ng lotto at iba pang gaming outlets sa buong lalawigan ng Aklan ang ipinasara noong Sabado matapos na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspinde sa gaming operations na pinatatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay P/Corporal Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na nilibot ng pulisya ang iba’t-ibang lotto outlets upang hilingin sa mga ito na ipatigil ang kanilang operasyon kasunod ng ipinalabas na utos ng pangulo.
Nabatid na binigyan ng pangulo ng 24 oras ang mga otoridad simula noong Hulyo 27 na ipatigil ang gaming activities na pinapatakbo ng PCSO dulot ng diumano’y malawakang corruption sa ahensiya.
Nagpaskil ang pulisya ng closure order sa ilang lotto outlets na kanilang na-inspeksyon.