-- Advertisements --
CEBU CITY – Mas hihigpitan ngayon ng Cebu City government ang mga hakbang nito upang hindi na lalong kumalat ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City Jail.
Ito’y matapos na nadagdagan pa ng panibagong 63 na confirmed cases ng coronavirus mula sa naturang piitan base sa mga inilabas na test results ng laboratoryo.
Ayon kay Mayor Edgardo Labella na mas pinaigting ngayon ang pakikipag-ugnayan ng City Health Department at ng Bureau of Jail Management and Penology Region 7(BJMP-7).
Nagpapatuloy naman ang mga confinement protocols at contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga COVID-19 patients.
Sa kabuuan, nasa 413 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa buong lungsod, kabilang na ang daan-daang mga preso mula sa Cebu City Jail.