-- Advertisements --

Naglabas na ng pinakahuling survey ang Social Weather Stations (SWS) para sa party-list groups

Kasunod ito ng pahayag ng Comelec na malaki ang tsansang makakuha ng pwesto ng mga baguhang party-list groups.

Kabilang sa umangat sa survey ang Batang Quiapo na nagbibigay ng kasanayan, pagsasanay, at legal aid sa mga street vendors, at online sellers para magkaroon sila ng socioeconomic security.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mayroong 63 party-list seats na nakalaan para sa 2025 midterm elections

Sa kabuuan, 156 party-list groups ang naghahangad ng pwesto sa House of Representatives para sa mid-term elections sa Mayo

Maliban sa SWS survey, nakapasok din ang grupo sa listahan ng mga prayoridad sa survey ng Tangere, isang customer-centric market research company