-- Advertisements --

Nakabalik na sa bansa ang 63 undocumented overseas Filipino workers (OFW) na nakaranas ng pang-aabuso sa Kuwait.

Ang nasabing mga OFW ay siyang mga natulungan ng Department of Foreign Affaris (DFA) at Department of Labor and Employment (DFA) sa pamamagitan ng Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) at sa pakikipagtulungan na rin sa Kuwait government.

Sinagot ng DFA ang mga plane tickets ng mga nakauwing kababayan.

Mabibigyan naman ng tulong ang mga ito sa pamamagitan ng balik-manggagawa program ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA).