Aabot sa 633 cases ng COVID-19 variants of concern at ng P.3 variant, kabilang na ang 339 casees ng mas nakakahawang Delta variant ang iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 633 na bagong mga kaso ay natuklasan mula sa 748 sequenced samples sa latest run ng genome sequencing.
Kabilang sa mga bagong tuklas na mga kaso ay ang 186 Beta variant cases, 98 Alpha variant cases, siyam na P.3 variant cases, at 1 Gamma variant.
Dahil dito, umakyat na ang bilang ng Delta variant cases sa 3,366, habang ang Beta variant cases naman ay pumalo na sa 2,920.
Dagdag pa ng DOH, 2,559 na sa ngayon ang Alpha variant cases, tatlo ang sa Gamma variant cases, at 461 naman sa P.3 variant cases.