-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang magsasaka ng ito ay pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Pablo Mautan Morales,64 anyos,may asawa at residente ng Purok 1, sitio Kulog Barangay Arakan, Matalam North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na habang naglalakad ang biktima papauwi nasa sa kanyang tahanan pagkatapos bumisita sa kanyang anak nang bigla itong harangin ng suspek na si Arlie Patrimonio at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas si Patrimonio sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Matalam.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Personal na alitan o awayan sa lupa ang natatanaw na motibo ng mga Opisyal ng Barangay sa pamamaslang sa biktima.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek at sinampahan na ng kasong pagpatay sa korte.