KALIBO, Aklan – Malamig ng bangkay ng makita ang 64-anyos na person with disabilities (PWD) matapos umanong magbigti-patay sa isang punongkahoy sa Sitio Caigang, Brgy. Julita, Libacao.
Kinilala ni Captain Willian Aguirre, hepe ng Libacao Police Station ang biktima na si Garcia Esto, residente ng naturang lugar.
Base sa kanilang imbestigasyon, nauna na umanong nawala ng isang araw ang biktima dahil hindi na ito nakauwi.
Kaagad namang ipinag-bigay alam ito ng kanyang pamilya sa pamunuan ng barangay.
Kaugnay nito, habang naghahanap umano ng signal ng cellphone si Geline Orbistam, pamangkin ng biktima na higit sa 500 metro lamang ang distansya mula sa kanilang bahay ay nadiskubre nito ang bangkay ni Esto na may nakatali ng lubid sa kanyang leeg at nakabitay na sa puno.
Ani Capt. Aguirre sinabi ng pamilya may sakit raw ang biktima at ito ang itinuturong dahilan ng kanyang pagpapatiwakal.