-- Advertisements --

Umabot ng 64 pasahero ang nasawi matapos tupukin ng apoy ang kanilang sinasakyang tren na papunta sana sa bayan ng Rawalpindi.

Ayon kay Sheikh Rashid Ahmed, minister for railways, nagsimula umano ang sunog dahil sa pagsabog ng gas cylinder na ginagamit ng mga pasahero sa pagluluto.

Kumalat sa tatlong bagon ang nasabing sunog.

Sa kasawiampalad, lahat ng biktima ay namatay habang sinusubukan nilang tumalon palabas ng tren upang makatakas.

30 katao naman ang sugatan habang inaasahan na dadami pa ang bilang ng mga bangkay.

“Two cooking stoves blew up. They were cooking, they had (cooking) oil which added fuel to fire,” saad ni Sheikh Rashid Ahmed.

Dagdag pa ni Ahmed, nagdadala ang mga pasahero ng kani-kanilang kalan upang magluto ng pagkain dahil sa mahabang oras ng biyahe.

Karamihan umano sa mga pasahero ay papunta sa isang conference na inorganisa ng Tablighi Jammat Sunni Muslim missionary movement.