-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala ng mga kaso ng African Swine Fever ang nasa 64 probinsya sa bansa.
Ayon sa Bureau of Animal Industry na attached agency ng DA, ang mga probinsiya na apektado ng ASF ay inuri bilang red o infected zones.
Ang mga probinsiya lamang na walang kaso ng ASF na nasa dark green zone ay ang Basilan, Batanes, Biliran, Bohol, Bukidnon, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Occidental Mindoro, Palawan, Siquijor, Sulu at Tawi-tawi.
Bunsod ng ASF, ayon kay AGAP party-list Rep, Nicanor Briones, nalugi ng P200 billion ang industriya ng pagbababoy.