BAGUIO CITY – Matagumpay na naisagawa ang isang linggong simultaneous anti-criminality operations (SACLEO) ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) na nagresulta ng pagkahuli ng anim na top most wanted persons (TMWP) at 58 na iba pa sa Cordillera Administrative Region.
Ayon sa Benguet Police Provincial Office (BPPO), nasa kulungan na ang
tatlo sa mga TMWP sa Cordillera.
Una nang nakilala ang No. 4 TMWP na si Edgar Vinluan Gonzales ng La Trinidad, Benguet na nahuli noong Hulyo 25 dahil sa kasong attempted rape at nahaharap pa ito sa kasong paglabag sa RA 9262 habang arestado rin ang No. 8 TMWP na si Alexander Keniado Waking na tubo ng Palina, Kibungan, Benguet at ang No. 10 TMWP na si Johnrick Dennis Cobcobo na nahuli sa Abatan, Buguias, Benguet.
Sa Abra, nahuli rin si Rodensio Leones Cabiao na No. 2 TMWP ng lalawigan dahil sa kasong Acts of Lasciviousness, nahuli rin ang senior citizen na No. 2 TMWP ng Ifugao na si Pio Talupa a.k.a Oybon at ang No 1. TMWP na si Rosendo Pindog dahil sa mga kaso nitong rape.
Nakapagtala rin ang Benguet Police Provincial Office (BPPO) ng pinakamaraming bilang ng nahuling mga indibiduwal sa loob lamang ng isang linggo na aabot sa 21.
Sumunod naman ang Baguio City Police Office (BCPO) na nakahuli ng 19 katao, Abra at Apayao na parehong nakahuli ng pitong katao at Kalinga na anim na katao.
Nahuli ang mga ito sa kasong rape, estafa at nang paglabag sa RA 9262 o ang Violence against Women and their Children.