-- Advertisements --
Kinansela ng organizers ang nakatakdang 64th Grammy Awards Show dahil sa pagtaas ng kaso coronavirus.
Ayon kay Recording Academy and CBS na hindi mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Omicron kaya minabuti na ito ay ipagpaliban.
Inaalala lamang nila ang kalusugan at kaligtasan ng mga dadalo kaya nagdesisyon sila na ito ay ipagpaliban.
Gaganapin sana ito sa Enero 31 sa Los Angeles.
Magugunitang nanguna si jazz keyboardist Jon Batiste sa may pinakamaraming nominasyo na 11 na sinundan nina Olivia Rodrigo, Lil Nas X, Billie Eilish, Justin Bieber at Doja Cate.
Noong nakaraang taon din ay iniurong ito sa Marso dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.