PASAY CITY – Lungkot ang nardaman ng mga manonood nang bigong makuha ni billiard legend Efren “Bata” Reyes ang ticket papuntang finals kontra sa pambato ng Vietnam sa larong carom sa SEA Games 2019.
Sa unang tira pa lang ni Ngo Dinh Nai ng Vietnam matinding diskarte na ang ginawa nito at kumamada na ng 23 puntos na naging rason sa patuloy na kalamangan.
At hindi pa nga nagpaawat sa magandang tira ang Vietnamese at kumamada pa ulit ng 31 na sunod sunod na puntos.
Pinipilit pa sana ni Reyes na humabol ngunit hindi ito pinalad at sablay ang mga naging tira kaya nakuha ng Vietnamese ang panalo sa score na 100 kontra sa 14 puntos lamang na nagawa ni Reyes.
Matatandaang una ng sinabi ni Reyes na ang kanyang naging kalaban ang pinakamagaling na player pagdating sa larong carom.
Sa interview naman ng media kay Reyes, Sinabi nito na kayang-kaya niya sanang tapatan ang 38-anyos na kalaban kung bata-bata pa ito. At nanibago sa bagong tapete (ang sapin sa billiard table) dahil sa lumang tapete lang umano ito nagpapraktis.
Sa kabila ng napakalaking lamang sa pagtatapos ng laro, pinalakpakan pa rin ng mga manonood ang nagin paglaban nito.
At nagpapasalamat naman sa patuloy na pagsuporta ng mga Pinoy fans sa lahat ng kanyang laban.
Samantala, naging mailap pa rin ang gintong medalya sa billiard team ng Pilipinas matapos matalo sa finals ng men’s snookers doubles sila Alvin Barbero at Jefry Roda ng Pilipinas sa kalabang si Moh keen hoo at Kok Leong Lim ng Malaysia na nakasungkit ng gold medal ngunit maiuwi pa rin ng dalawang Pinoy ang silver medal. (report by Bombo John Salonga)