-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot ng halos 32 piraso ng mga malalaking LPG tank ang narecover ng mga otoridad mula sa bahay ng 65 anyos na lola na umanoy ninakaw nito.

Kinilala ang suspect na si Nanay Anne, may asawa at residente ng Brgy 37-D Davao City.

Huli din ang umanoy kakunsabo ni Lola na isang 29 abyos na si Norman, nakatira sa Agdao, Davao City.

Pero mariing pinabulaanan ni Norman na magkakunsbo sila ng matandang suspect dahil tanging layunin lamang umano niya na tulungan ito na magbuhat dahil naawa umano siya sa sobrang bigat ng mga tangke ng LPG.

Samantala inihayag ni Police Major Marvin Hugos, station commander ng San Pedro Police station na matagal na nilang minamanmanan ang mga suspect at ang paraan ng pagnanakaw ng mag ito.

Maiban sa 32 piraso ng ibat-ibang LPG tanks, narecover rin ng mga police ang isang Gasulet LPG tank at isang motorsiklo.