-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagbalik loob sa gobyerno ang mahigit 65 na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang mga rebelde ay nagmula sa Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC)

Sumuko ang mga NPA sa mga tauhan ng 27th Infantry Battalion Philippine Army ng 601st Brigade na kasapi ng Anti-Terror Task Force Central.

Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander M/Gen Juvymax Uy na isinuko ng mga rebelde ang umaabot 40 matataas na uri ng armas at mga pampasabog.

Nahikayat ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan upang mamuhay nang mapayapa dahil na rin sa tulong ng mga local officials at sa pakikipagtulungan ng mga ito sa Inter-Agency Regional Peace and Order Council at Anti-Terror Task Force Central.

Nahihirapan na rin ang mga rebelde sa pakikipaglaban sa mga sundalo, pagod na at gusto nang mamuhay ng mapayapa.

Hinimok ni Gen Uy ang ibang NPA na sumuko na rin habang may oras pa at makiisa rin sa isinusulong na kapayapaan ng administrasyong Duterte.