-- Advertisements --
Patay ang 65 katao sa nangyaring forest fire sa Algeria.
Kabilang sa nasawi ang 25 sundalo na nasa lugar para tumulong sa pag-apula ng sunog sa bulubunduking bahagi ng Kabylie region.
Mula pa nitong Lunes ay ilang mga sunog na ang naganap sa malaking bahagi ng northern Algeria.
Naniniwala naman ni Interior Minister Kamel Beldjoud na sinadya ang nasabing pagkakasunog.
Noong nakaraang linggo ay nagbabala ang European Union atmosphere monitor na nagigng wildfire hotspot na ang Mediterranean sa kagubatan ng Turkey at Greece sa tulong na rin ng heatwave.