-- Advertisements --

Patay ang nasa 64 katao matapos ang paglubog ng cargo ship sa Madagascar.

Nailigtas ng mga maritime agency ang nasa 50 pasahero habang patuloy na hinahanap ang 24 iba pa.

Ayon sa Maritiem and River Port Agency (APMF) na hindi otorisado na magsakay ng mga pasahero ang nasabing barko.

Sa inisyasl nilang imbestigasyon na nagkaroon lamang ng overloading ang nasabing barko.

Sinasabing aabot sa halos 140 katao ang lulan ng nasabing barko.

Pinuntahan mismo ni Prime Minister Christian Ntsay at Minister of National Defence General Leon Richard Rakotonirina ang lugar para tumulong sa search and rescue operations.