-- Advertisements --
Nigeria 1
Nigeria map

Nasa 65 katao ang patay matapos na pagbabarilin ng Boko Haram militant sa Borno, Nigeria.

Naganap ang insidente habang isinasagawa ang isang libing ng biglang dumating ang mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo at vans sa Maidugrui.

Agad na nasawi ang karamihang biktima habang namatay ang iba ng tangkaing habulin ang mga suspek.

Itinuturing ng mga otoridad na gumanti ang grupo ng Boko Haram matapos mapatay ang 11 kasamahan nila noong nakaraang dalawang linggo.