Umabot na sa 65 ang mga teroristang Maute ang napapatay sa patuloy na isinasagawang clearing operations ng AFP sa Marawi City.
Ayon kay AFP spokesman BGen. Restituto Padilla na sa nasabing bilang ay 42 dito ay body count habang 23 ay batay sa eyewitness accounts.
Naka-recover ang militar ng 55 na mga baril mula sa mga kalaban.
Sa panig naman ng pamahalaan, 17 sundalo at 3 pulis na ang nasawi habang 69 na sundalo at 3 pulis ang sugatan.
Sinabi ni Padilla, nakatutok ngayon ang AFP sa pag tugis sa mga nagtatagong terorista pag-rescue ng mga na-trap na sibilyan at pag recover ng mga casualties.
Tiniyak naman ng heneral na ang isinasagawang air strikes ng militar ay kalkulado upang maiwasan na magkaroon ng collateral damage.
Muli ring binalaan ni Padilla ang mga kalaban na sumuko na habang may pagkakataon pa dahil hindi titigilan ng AFP ang mga terroristang nagtatago sa lungsod ng Marawi.
Aniya, lalo pang lumiliit ang lugar na pinagtataguan ng teroristang grupo.