-- Advertisements --

Ikinasa na ng PNP ang paglalagay ng mga Tourist Police Assistance Desk sa mga major tourist destinations ngayong panahon ng summer.

Ayon kay Public Safety Division ng Directorate for Operation chief, PSSupt. Eugene Paguirigan na bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa Oplan Sumvac o Oplan Summer Vacation 2017.

Sinabi ni Paguirigan na layon nito na mabantayan ang mga local at dayuhan na turista sa mga masasamang elemento.

Kung sakali man na may mangyari sa kanila ay may mga pulis na agad makapag responde.

Aniya, mauuna na ang mga Police Assistance Desk na ilalagay sa mga bus terminals na kalimitan nang dinadagsa ng tao bago pa man sumapit ang Holy Week.

Maliban sa mga Tourist Destinations ay kasama din sa kanilang babantayan ay ang mga religious sites, gaya ng Kamay ni Hesus sa lalawigan ng Quezon.

Inalerto na rin nila ang 65,000 na mga pulis sa bansa na ide-deploy sa ilalim ng Oplan Sumvac 2017 katuwang ang mga force multipliers mula sa mga barangay, civic organizations at communications group.