-- Advertisements --
Iniulat naman ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng karagdagang 690 COVID-19 variant cases.
Base ito sa pinaka-latest run na isinagawa noong Nobyembre 6, na binubuo ng 748 sample na nakolekta noong Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Setyembre, at Oktubre.
Sa mga sequenced na sample, 651 ang nakitang Delta variant case, 22 Alpha variant case, 15 Beta variant case, isang B.1.617.1 variant case o dating Kappa, at isang B.1.1.318 variant case.
Sa mga karagdagang variant case, ang kabuuan ng mga lineage ay 5,982 Delta variant cases, 3,577 Beta variant cases, at 3,128 Alpha variant cases.