Mahigit na naman sa 6,000 ang mga karagdagang kaso na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
bumaba ito ng bahagya kumpara kahapon ng Linggo na nasa mahigit na 7,000.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ngayon ng 6,539 na mga bagong kaso karagdagang kaso ng COVID-19.
Sa kabila nito marami naman ang naitalang bagong mga gumaling na nasa 6,969.
Habang ang mga nadagdag na namatay ay umaabot na sa 71.
Sa kabuuang ang death toll sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 21,969.
Sa ngayon ang bilang ng mga aktibo na mga kaso o nagpapagaling pa na pasyente ay nasa 58,854.
Habang ang kabuuang mga nagkasakit mula noong nakalipas na taon ay umaabot na sa 1,276,004.
Pero ang mga nakarekober sa Pilipinas ay nasa 1,195,181 o katumbas na rin ito ng 93.7 percent.
Nilinaw naman ng DOH na merong pitong mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“13 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 are recoveries. Moreover, 21 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng statement ng DOH. “All labs were operational on June 5, 2021 while 7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 7 non-reporting labs contribute, on average, 3.1% of samples tested and 5.4% of positive individuals.”