-- Advertisements --

Nagsumite ngayon sa Court of Appeals (CA) ang Alliance of Concern Teachers (ACT) ng motion for reconsideration matapos ibasura ang kanilang reklamo kaugnay ng profiling o pagmamanman umano ng PNP sa mga gurong hinihinalang miyembro o supporter ng makakaliwang grupo.

Sa 14 pahinang motion for reconsideration, hiniling ng ACT na muling ikonsidera ang reslousyon na may petsang Pebrero 4, 2018.

Ibinasura noon ng CA ang petisyon ng ACT dahil sa kakulangan ng mga dokumento gaya ng certified true copies ng PNP memoranda kaugnay ng profiling sa mga guro at iba pa.

Ayon kay ACT Sec. General Raymon Basilio, makailang beses na raw silang sumulat sa PNP para hilinging magpalavas ng kopya ng naturang memoranda pero wala silang natatanggap na tugon.

Iginiit din ng grupo na patuloy pa rin daw ang paniniktik ng PNP sa mga guro kayat hiniling nila sa CA na atasan ang PNP na itigil na ang profiling sa mga guro.

Nanindigan ang grupo na ang pagmamanman ng PNP sa mga guro ay unconstitutional, iligal at void.