-- Advertisements --
Aabot na sa 66.2 million katao sa bansa ang fully vaccinated kontra COVID-19, pero 12.2 million pa lang dito ang naturukan ng booster dose.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang datos na ito ay hanggang kahapon, Abril 4.
Nabatid na target ng pamahalaan na umabot sa 90 million katao ang fully vaccinated sa katapusan ng Hunyo.
Sinabi ni Vergeire na sa 66.2 million na fully vaccinated na, 6.6 million dito ang senior citizens at 8.9 million naman ang may comorbidities.
Mahigit 1 million naman ang mga batang edad lima hanggang 11, at 9 million ang edad 12 hanggang 17.
Ang mga nakakumpleto na sa primary series ng COVID-19 vaccine ay hinihimok ni Vergeire na magpaturok din ng booster dose bilang karagdagang proteksyon.