-- Advertisements --

Umaabot na sa 66 ang nasawi na naitala ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paghagupit ng bagyong Ompong.

Ito ay batay sa inilabas na situational report ng PNP NHQ Operations Center as of 3PM kahapon ng hapon.

Pumalo na rin ang bilang ng mga nasugatan sa 63 habang 52 ang nawawala.

Ang PRO-Cordillera ang may pinakamaraming casualties na naitala dahil sa bagyo.

Una nang nagsagawa ng aerial survey si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa bahagi ng Baguio at Benguet para makita ang lawak ng pinsala na epekto ng bagyong Ompong.

Sa ngayon nakatutok ang gobyerno sa search, rescue and retrieval operations sa Itogon, Benguet kung saan gumuho ang lupa na tumabon sa bunkhouse na ginawang evacuation center.

Nasa 24 man team naman mula sa PNP Special Action Force (SAF) ang ipinadala sa Itogon para tumulong sa operasyon.