Nananatiling nawawala pa rin ang 66 na katao isang buwan matapos ang malawakang wildfire sa Maui island sa Hawaii.
Kung saan nagpapatuloy ang pagtanggal ng mga toxic debris mula sa mga lugar na tinupok ng wildfire na inaasahan magtatagal ng halos isang taon at aabot sa $1 billion ang halaga ng danyos ayon kay Hawaii Governor Josh Green.
Sa opisyal na death toll mula sa wildfire na sumiklab noong Agosto 8 ay nananatili sa 115 katao.
Tanging nasa 60 sa mga biktima ang natukoy o nakumpirma pa lamang sa mga nasawi noong araw ng Huwebes ayon sa Maui Police Department.
Batay sa mga opisyal ilan sa mga biktima ay posibleng na-cremate sa sunog kayat wala ng labi pa na narekober.
Samantala, nasa mahigit sa 6,000 survivors mula sa wildfire ang kasalukuyang nasa hotel rooms habang tumutulong na ang Federal Emergency Management Agency sa estado sa pagbibigay ng housing grants at rental assistance para sa mga na-displace na indibidwal para sa sunod na 18 buwan.