-- Advertisements --

Pumalo na sa 66 katao ang naitalang patay dahil sa patuloy na pagtaas ng baha sa Jakarta, Indonesia. May ilan pa ring nawawala matapos tamaan ng sunod-sunod na malalakas na bagyo ang naturang lugar.

Halos 173,000 residente naman ang pansamantalang naninirahan sa mga evacuation centers.

Ayon sa mga otoridad, maaari pang lumala ang kalagayan ng Jakarta dahil may mga susunod pang bagyo na tatama sa bansa.

Tinatayang madadagdagan ang taas ng tubig ng 4 inches (102 mm) sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Agus Wibowo, tagapagsalita mula Indonesian National Disaster Mitigation Agency, sinimulan na ng Red Cross ang pag-spray ng disinfectant sa buong lugar upang pigilan ang pagkalat ng mga sakit na posibleng makuha sa tubig.

Nasa 35,000 katao naman ang patuloy pa ring naninirahan sa mga govenment buildings, eskwelahan at malls na pansamantala ring ginamit bilang evacuation centers.