Aabot sa 66 katao ang nasawi habang 51 iba pa ang sugatan matapos ang naganap na sunog sa isang ski resort sa northwestern Turkey.
Ayon kay Interior Minister Ali Yerlikaya, na labis silang nalulungkot sa nangyaring pagkakasunog sa Kartalkaya resort sa Bolu province.
Karamihan sa mga biktima ay pawang mga nagbabakasyon kung saan nasawi ang iban matapos tumalon sa bintana.
Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa gawa sa makapal na bato ang 12 palapag na hotel.
Dinayo ang nasabing resort tuwing holiday at bakasyon ng mga mag-aaral mula Enero hanggan sa unang linggo ng Pebrero.
Umabot sa 30 fire trucks at 28 na ambulansya ang rumesponde kabilang ang 267 na mga emergency personnel para maapula ang sunog.
Patuloy din na inaalam ng mga otoirdad ang pinagmulan ng nasabing sunog.