-- Advertisements --

Facial bone fractures, brain bleeding at multiple contusions sa ulo ang tinamo ng isang 67 anyos na Pilipina sa New York City matapos itong bugbugin ng isang Amerikano habang papasok ito sa kanyang apartment.

Sinabi ni Philippine Consulate General Elmer Cato, nasa mahigit 125 beses na sinuntok at sinipa ang biktima habang sinisigawan ito ng racial slur.

Sa kuha ng CCTV footage ay makikita na tila dinuraan pa ng lalaki ang kaawa-awang biktima bago ito umalis.

Naaresto naman na ang naturang lalaki na kinilalang si Tammel Esco.

Attempted murder at hate crime ang kasong kakaharapin ng suspek na kasalukuyan nang nakakulong sa Westchester Country Jail.

Ayon kay Cato, ito na ang ikatlong insidente ng hate crime sa loob ng isang linggo kung saan kadalasang mga matatandang kababayan natin ang nagiging biktima ng naturang karahasan.