-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Plano ni Pol. Lt. General Archie Francisco Gamboa, Deputy Director for Operations ng Philippine National Police (PNP), na maglunsad ng community-base policy upang maresolba na ang problema ng iligal na droga sa buong bansa.

Ito’y matapos makumpirmang 67% sa mga naitaguyod na Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa buong bansa ang hindi nag-perform ng kanilang trabaho base na sa assessment at evaluation ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na bilang chairman ng Oversight Committee on Illegal Drugs ng PNP, dapat lang na tumulong ang bawat barangay sa pagresolba sa problema ng iligal na droga sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanilang kampanya.

Lumabas pa sa ginawang evaluation ng DILG na hindi ginampanan ng karamihang mga barangay sa buong bansa ang kanilang obligasyon, maliban pa sa hindi pagbuo ng BADAC sa ibang lugar.

Ngayo’y target ng opisyal na humingi ng link sa kada-barangay dahil sila ang nakakaalam sa galaw ng mga tao sa kanilang lugar lalo na yaong mga bagong salta lamang.