Lumalabas sa isinagawang survey ng Pulse Asia na nasa 67% ng mga Pilipino ang naniniwalang mas cridible ang resulta ng May 2022 national at local elections kumpara sa naging halalan noong 2016.
Sa inilabas na resulta ng survey, ito ang mas nangingibabaw na sentimiyento mula sa lahat ng geographic areas at socio-economic classes.
Lumabas din sa naturang survey na nasa 39% ng mga Pilipino ang naniniwalang na maliit na porsyento lamang ang nangyaring dayaan sa 2022 elecion kumpara noong 2016 habang nasa 33% naman ang undecided sa naturang isyu.
Sa Metro Manila, ang ilang bahagi ng Luzon at Class ABC at D ay nakitaan ng parehong porsyento kung saan nasa 38% hanggang 44% ang naniniwalang mas kakaunti ang nangyaring dayaan noong May 2022 habang nasa 34% hnaggang 42% naman ang undecided.
Magkakahalo naman ang pananaw ng mga respondents sa naturang usapin sa Visayas habang nasa 40% hnaggang 47% naman ang naniniwalanh less cheating ang nangyarin sa May 2022 election sa Mindanao.