-- Advertisements --
Pinatawag na ng National Privacy Commission (NPC) ang nasa 67 na online lending companies.
Ito ay kasunod ng reklamo sa data privacy.
Sinabi ni Commissioner Raymund Liboro, na ang nasabing mga kumpanya ay inireklamo ng maraming mga kliyente nila dahil sa pamamahiya matapos na mabigo silang hindi magbayad ng kanilang inutang.
Base sa reklamo ay tinitext o kinokontak ng mga lending companies ang mga nasa phone contacts at maging sa social media contacts ng mga complainants.
Isasagawa ng NPC ang pagdinig sa reklamo sa darating na Oktubre 14 at 15.