Sumakabilang buhay na ang ina ni Pure energy Gary Valenciano na si Grimilda Santiago Y Olmo ngayong araw sa kanyang bahay sa Orlando, Florida.
Kinumpirma ni Gary ang malungkot na balitang ito bandang alas-siyete ng umaga, kamakailan lamang ay sinabi nitong may sakit na pneumonia, congestive heart failure at H1n1 flu ang kanyang ina.
Sa edad nitong 84 ay hindi na umano kinaya ng kanyang katawan na labanan ang mga sakit.
Sa kabila nito ay muli namang inalala ng singer ang masasayang araw na kasama nito ang kanyang ina.
Kasabay nito ay nagpasalamat din si Gary sa lahat ng nagpaabot ng pakikisimpatya at dasal para sa kanilang pamilya.
Tiniyak ng National Security Council (NSC) na tatapatan ng karampatang aksyon ng Pilipinas sa oras na gumawa ng anumang provocative action ang namataang monster ship...