-- Advertisements --
Briones

Nagpapatuloy pa rin ang pagtitipon ng mga miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization at SEAMEO INNOTECH sa isinasagawang taunang 67th Governing Board Meeting sa bansang Cambodia na nagsimula noong Oktubre 24 hanggang 27, 2023.

Binubuo ng mga opisyal at matataas na kinatawan mula sa Ministries of Education kasama ang Southeast Asian Ministers of Education Organization Secretariat Director at INNOTECH Center Director bilang mga ex-officio member ang naturang pagpupulong.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng United Nations Day noong Oktubre 24 ng kasalukuyang taon.

Dumalo rin sa taunang Governing Board Meeting ang dating kalihim ng DEPED at kasalukuyang Center Director ng SEAMEO INNOTECH na si Prof. Leonor Magtolis-Briones.

Ayon kay Briones, ang pagtitipon na ito ay mahalaga upang matugunan at matalakay ang mga accomplishment at programa ng organisasyon.