-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay sa pamamaril ang isang Lola sa lungsod ng Kidapawan.

Nakilala ang biktima na si Ofelia Maria Castillano,68 anyos,retired teacher at residente ng Villanueva Subdivision Barangay Poblacion Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police,Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na pababa na sana ang biktima sa sinakyan nitong motorsiklo malapit sa kanyang bahay mula sa palengke ng bigla itong lapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang namaril at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.

Naisugod pa si Lola Ofelia sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Bago nabaril patay si Castillano,unang binaril patay ang isang 19 anyos na binata na nakilalang si alyas Tayson sa bahagi ng Perez Kidapawan City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa magkasunod na pamamaril patay sa syudad ng Kidapawan.